too far gone

  1. [Flash 9 is required to listen to audio.]

    Hindi pa kasi talaga ako maka-get over. Alam mo yung hindi na bago sayo yung may kumakanta over the phone tapos maggigitara pero kasi iba yung kanta niya kagabi. Damang dama ko yung “Sorry na, mahal na mahal kita.” niya tapos bigla niyang kinanta ‘to. A`ah naman kasi e. :”>

  2. shlugged asked: Cute po ng theme niyo :-)

    Hindi ako may gawa nan. Hihi. Salamat na din. :D


  3. TIN: Ang sakit na ng paa ko gawa nitong sapatos.JAIM: O, paltos?TIN: Parang. Ata. Nasa bandang likod e.JAIM: Lagyan mo ng band aid.TIN: Bili tayo.*pagkabili*JAIM: Akin na, ako maglalagay.
HUWAHAH. :”>

    TIN: Ang sakit na ng paa ko gawa nitong sapatos.
    JAIM: O, paltos?
    TIN: Parang. Ata. Nasa bandang likod e.
    JAIM: Lagyan mo ng band aid.
    TIN: Bili tayo.
    *pagkabili*
    JAIM: Akin na, ako maglalagay.

    HUWAHAH. :”>

  4. Masasabi mo bang tama yung desisyon kung hindi ka naman masaya dito?

  5. Sabi sa ODB ngayon, “Tinitingnan ng mga mas nakababata sa atin ang mga landas na tinatahak natin. Bilang anak ng Diyos, siguraduhin natin na nasa tama, matalino, at malinaw tayong daan para kung sakali man na pinili tayong sundan ng mga batang ito, ang mga landas na tinatahak natin ay lumawak pa at maging pamana  na nagpapatuloy para sa kapurihan ng ating Panginoon.”

    Hindi ko alam kung anong ginawa ko na nakita nung isang bata sa camp para iteks niya ko nung Lunes ng umaga - 2 araw makalipas ang camp - na namimiss niya na daw ako at gusto niyang sundan ang mga yapak ko. Ang alam ko kase hindi ko namaximize yung oras para makasama sila [campers] dahil sa mga behind the scene ng camp (e.g. certificates) kasabay pa ng pagaasikaso ko ng mga school requirements ko. Gayunpaman, may nakapansin din pala sa akin. Napangiti ako nung teks niya, tunay. <3

    Wala naman, naalala ko lang. Bigla din kasing pumasok sa isip ko na hindi na ako bata at kailangan kong maging mas responsable sa mga pinaggagagawa ko. Tunay nga, madaling sabihing Kristyano ka (at maging proud dito) pero mahirap panindigan. Hindi rin naman kasi madaling maging Christ-like lalo na kung ikaw at ang sarili mo lang ang katulong mo.

    Pero tulad ng ginagawang intervention sa mga tao na may allergy - gradual desensitization - unti unti kang magtitino hanggang sa masanay ka dito. Hindi mo lang magiging habit ang pag titino, kundi magiging lifestyle na.

    Nawa’y maging maganda akong halimbawa.